Kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Dante Molina, Noel Degiyem, Marlon Guiningin at Dextr Labasan, pawang miyembro ng Philex Forestry.
AFP/File
Forest fire sa Benguet: 5 patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang katao kabilang ang apat na forest rangers ang iniulat na nasawi matapos ma-suffocate makaraang sumiklab ang sunog sa kagubatan ng Sitoo Salangan, Brgy. Ampucao, Ito­gon, Benguet, ayon sa opis­yal ka­hapon.

Kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Dante Molina, Noel Degiyem, Marlon Guiningin at Dextr Labasan, pawang miyembro ng Philex Forestry.

Ang isa pa ay ang sibil­yang si Leon Mocate na na-trap sa gitna nang nasusunog na kagubatan.

Sa report ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Rolando Zambale Nana, ang sunog ay tumupok sa tinatayang 5-6 hektaryang kagubatan na nagsimula dakong alas-4:35 ng hapon noong Pebrero 20.

Ang sunog ay mabilis na kumalat sa kabundukan na umabot hanggang sa Saint Luis High School-Philex Mines Itogon, Benguet.

Mabilis namang nag­res­ponde ang mga elemen­to ng Itogon at Tuba Municipal Police Station (MPS), Bureau of Fire Protection-Tuba at Philex Fire Department kasama ang mga volunteers sa lugar upang apulahin ang sunog.

Lumilitaw naman sa im-bestigasyon na ang sunog ay matapos na isang kaingero ang magsindi ng mga tuyong dahon at sanga ng punong kahoy sa kagubatan upang gawin umanong taniman.

Samantalang ang bang-­kay ng mga biktima ay na­rekober naman ng nag­respondeng mga elemento ng Philex Fire Department. - Trainee Princess Yvonne Garcia

BENGUET FOREST FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with