Ito ang ginawang pag-amin kahapon ng isang 14-anyos na dalagita na umano’y may diperensya sa pag-iisip makaraan nitong mapatay ang kanyang 3-anyos na nakababatang kapatid sa San Fernando, Camarines Sur.
14-anyos pinatay ang 3-anyos na utol
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Maingay, iyakin siya kaya ko pinatay!”

 Ito ang ginawang pag-amin kahapon ng isang 14-anyos na dalagita na umano’y may diperensya sa pag-iisip makaraan nitong mapatay ang kanyang 3-anyos na nakababatang kapatid sa San Fernando, Camarines Sur.

Ang suspek na itinago sa pangalang “Loisa”, ang pangunahing suspek sa krimen at huling nakitang karga ang 3-anyos na kapatid.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, inamin ng suspek na tinakpan niya ng basang basahan ang mukha ng kapatid na itinago sa pangalang “Princess” hanggang sa mawalan ito ng hininga saka itinapon sa may kahuyan.

Nitong Huwebes ay nagulantang ang pamilya ng dalagita nang madiskubre at aminin nito na naingayan umano siya sa pag-iyak ng kapatid kaya niya ito tinakpan ng basang basahan sa mukha hanggang sa mapatay matapos na hindi ito makahinga at ilang minutong magkakawag.

Noong Lunes pa ay nakita ng kanilang kapitbahay ang dalagita na pasan ang nasabing biktima at dumako sa may kahuyan kung saan narekober ang bangkay nito kamakalawa.

Kaugnay nito, base sa imbestigasyon sinabi ni P/Insp. Juvy Llunar, hepe ng San Fernando Police na dahil sa nasabing pahayag ng testigo ay inimbestigahan nila ang suspek hanggang sa umamin ito sa krimen.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye ang mga magulang ng magkapatid na halos tulala pa sa pangyayari.

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with