Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Cristina Joana Trinidad alyas “Joan”, 39-taong gulang, residente ng Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan at Ruth Francisco, 34, naninirahan sa Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan.
P25-M shabu nasamsam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumataginting na P25-milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang babae na sinasabing kilabot na drug pushers matapos ma­sakote sa isang drug bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Sta Barbara, Baliwag, Bulacan nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Cristina Joana Trinidad alyas “Joan”, 39-taong gulang, residente  ng Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan at Ruth Francisco, 34, naninirahan sa Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde mula kay Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna bandang alas-3:50 ng mada-ling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga ele­mento ng Drug Enforcement Unit ng Baliwag Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay Bersaluna ang dalawang babaeng drug pushers ay nasakote matapos na magbenta ng isang transparent plastic sachet ng shabu na naglalaman ng P10,000 halaga ng droga sa isang undercover agent.

Samantalang nakumpis­ka rin sa mga ito nang ins­peksyunin ng mga otoridad ang dalawa pang katamtamang laki ng plastic sachet ng shabu, isang Nike bag na naglalaman ng tatlong piraso ng plastic sachet ng shabu, isang timbangan at tatlong mobile phones.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with