Lineman kisay sa kuryente
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nangisay hanggang namatay ang isang 54-anyos na lineman ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO) 2 matapos makuryente habang inaayos ang mga kawad makaraang magpalit ng poste sa Brgy. Bitan-O sa Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan pero idineklarang patay makaraang masunog ang katawan sa lakas ng boltahe ng kuryente ang biktimang si Ernesto Jayco Sapitan Jr., residente ng Brgy. Buhatan.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga, inaayos ng biktima ang mga kawad ng kuryente sa bago nilang palit na poste nang aksidente nitong mahawakan ang primary live wire ng SORECO-2.

Nangisay agad ang biktima pero dahil nasa itaas ito ng poste ng kuryente ay hindi agad siya nasaklolohan ng kanyang mga kasamahang lineman.

SORSOGON ELECTRIC COOPERATIVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with