^

Probinsiya

1 sakong bigas palit sa bloke ng cocaine

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 sakong bigas palit sa bloke ng cocaine

MANILA, Philippines — Nag-alok kahapon ng isang sako ng bigas ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police kapalit ng bawat isang bloke ng cocaine na posibleng marekober pa sa dagat.

Ayon kay Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza, bibigyan nila ng isang sako ng bigas bilang token ang sinumang sibil­yan na makakarekober ng “floating cocaine” sa karagatang nasasakupan ng kanyang hurisdiksyon.

Ang nasabing pabigas  ay kasunod ng magkakasunod na pagkakarekober ng dalawang bloke ng cocaine noong Lunes sa Mauban, Quezon at isa pang bloke sa Perez ng lalawigan kamakalawa.

Nabatid na bawat isang bloke ng cocaine ay nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

Binigyang diin ni Carranza na nilalayon nito na hikayatin ang sinumang indibiduwal na isurender sa mga awtoridad ang marerekober na cocaine.

Nagbabala naman ang opisyal na aarestuhin at ikukulong ang sinumang magtatago at magbebenta ng mga floating cocaine kung saan nagiikot na ang mga pulis sa mga baybayin ng Calabarzon para kausapin at balaan ang mga mangingisda at mga residente.

Samantala, pinakahuli namang narekober ay ang isang bloke ng cocaine na natagpuan ng estud­yanteng si Raymond, 16- anyos ng Brgy. Villamanzanao Norte, Perez ng lalawigan.

Inihayag naman ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na ang isang sako ng bigas kapalit ng mare­rekober na droga ay token lamang bilang pakikiisa ng mamamayan sa drug campaign ng pamahalaan.

vuukle comment

COCAINE

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with