^

Probinsiya

500 guro sa ARMM nag-rally

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
500 guro sa ARMM nag-rally

MANILA, Philippines — Daan-daang mga guro at aplikante ang nag-rally sa labas ng tanggapan ng Department of Education o DepEd-ARMM Office sa Cotabato City para iprotesta ang anila’y maanomalyang pagkabalam ng kanilang mga promosyon at ang hindi pa rin paglalagay ng mga guro sa mga bakanteng puwesto o item.

Nagsimulang mag-picket ang nasa 500 mga guro at aplikante noon pang Lunes hawak ang mga tarpaulin at plackard na nagsasaad ng kanilang mga alegasyon hinggil sa “appointment and promotion process at financial management” ng ahensya.

Nanawagan ang mga protester kay Pangulong Duterte na aksyunan ang kanilang reklamo at payuhan si ARMM Gov. Mujiv Hataman na ibigay ang nararapat na item para sa mga aplikante ng Lanao del Sur.

Samantala, inamin ni Hataman na nasa tatlo hanggang apat na libo ang mga bago at bakanteng teachers’ items sa ARMM. Gayunman, ipinaliwanag nito na pinili ng kanyang administrasyon na ibigay na lamang sa papasok na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa pangu­nguna ng Bangsamoro Transition Authority o BTA, ang pagkakataong mag-appoint ng mga bagong guro.

Ayon kay Hataman, nasa 500 teacher’s items na ang kanilang napunan kung saan higit apat na libo umano ang nag-apply para sa naturang bakanteng posisyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with