^

Probinsiya

2 sundalo, 6 pang Cafgu pinalaya ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalaya na ang da­lawa pang sundalo at anim na Cafgu (Citizens Armed Forces Geo­gra­phical Unit) na nalalabi pang bihag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang lugar sa Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur nitong Martes ng hapon.

“Yes, all abducted Cafgu and two soldiers are all in,” pagkumpirma ni AFP- Eastern Mindanao Command Commander Major Gen. Felimon Santos Jr.

Ang walo na Prisoners of War (POWs) ng NPA rebels ay pinakawalan matapos ang dalawang buwang pagka­kabihag.

Kinilala ang walong pinalayang bihag na sina CAAs (Cafgu Active Auxilary) Jimuel Acebedo; Abel Iligan; Jan-jan Iligan; Rolando Quiao; Gabriel Iligan at James Iligan gayundin sina Cpl. Eric Manangan at PFC. Darlino Carino.

Bandang alas-2:25 ng hapon kamakalawa nang pakawalan ng kanilang mga abductors ang mga bihag sa isang liblib na lugar sa Purok 9, Sitio Hugmakan, Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Magugunita na una nang pinawalan noong Peb­rero 14 sa Brgy. San Juan, Bayugan City ang anim na Cafgu at sumunod naman noong Pebrero 18 ang dalawang sundalo sa Brgy. San Antonio, Remedios Trinidad, Agusan del Norte.

Noong Disyembre 19 ng nakalipas na taon ay binihag ng NPA rebels ang dalawang sundalo at 12 Cafgu matapos sumalakay ang 50-80 nitong armadong mi­yembro sa kanilang patrol base sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur kung saan nakatangay din sila ng malalakas na armas. (trainee Kim Micah Cabual)

vuukle comment

CITIZENS ARMED FORCES GEO­GRA­PHICAL UNI

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with