Sa report, nawalan ng kontrol si Jayson Agus­tin, 33, sa minama­nehong trak na may kargang animal feeds nang hindi kumagat ang preno nito sa pabulusok na kalsada at binangga ang sinusundang traysikel ni Vicente Tabieros, 42, dakong alas-5:30 ng hapon.

Trike sinuwag ng trak, swak sa bangin!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Anim na katao ang nasa kritikal na kondisyon matapos na banggain ng truck ang sinasakyang tricycle sanhi upang mahulog sa bangin sa bulubunduking highway ng  Barangay Leaño, Claveria, Cagayan noong Lunes.

Sa report, nawalan ng kontrol si Jayson Agus­tin, 33, sa minama­nehong trak na may kargang animal feeds nang hindi kumagat ang preno nito sa pabulusok na kalsada at binangga ang sinusundang traysikel ni Vicente Tabieros, 42, dakong alas-5:30 ng hapon.

Bunga ng pangya­yari, malubhang nasugatan sina Tabieros, mga pasahero nitong estudyanteng mag-utol na sina Dulce, 15, at Christine Valenzuela, 13, gayundin si Agustin at pahinanteng sina Ri­chard Tabor, 43, at Joshua
Ignacio, 23.

Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa Northern Cagayan District Hospital sa Sanchez Mira at kalaunan ay inilipat sa Don Mariano Marcos
Memorial Hospital sa Batac City, Ilocos Norte dahil sa maselan nilang kalagayan.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with