Sa liham na ipina­dala kahapon ni Matugas kay PDEA Direc­tor General Aaron Aquino, iginiit nito na kailangang matukoy at maparusahan ng batas ang mga taong nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng 40 kilong cocaine na nasa P212 milyong halaga sa Siargao.
Probe sa ‘floating cocaine’ sa Siargao, hirit
Mer Layson, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang pagkakasabat sa bloke-blokeng cocaine sa ka­ragatan ng San Isidro sa Siargao Islands, nanawagan kahapon si Surigao del Norte Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas II sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Sa liham na ipina­dala kahapon ni Matugas kay PDEA Direc­tor General Aaron Aquino, iginiit nito na kailangang matukoy at maparusahan ng batas ang mga taong nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng 40 kilong cocaine na nasa P212 milyong halaga sa Siargao. 

“The perpetrators of this crime must be identified and punished accordingly. Our islands cannot afford a repeat of this incident,” diin ni Matugas sa kanyang sulat kay Aquino.

Sa isang hiwalay na pahayag, kinondena rin ni Matugas ang paggamit sa Siargao bilang “transshipment point” ng droga. Ang Siargao, aniya, ay mas kilala bilang “Surfing Capital of the Philippines” na dinarayo ng libu-libong lokal at banyagang tu-rista taun-taon. 

Nagbabala ang kongresista sa ilang ires­ponsableng pulitiko na pilit na ginagamit ang isyu ng nasabat na droga upang isulong ang kanilang political agenda.

“It is clear that this is not an isolated incident as similar incidents were also reported in Dinagat Island and Camarines Norte. However, some people choose to make this a political issue, even linking it to the upco-ming midterm elections. Allegations of involvement of politicians in the incident must be supported by evidence,” ani Matugas.

Nakipag-ugnayan na si Matugas sa Phi-lippine Coast Guard upang magtalaga ng isang patrol boat na mahigpit na magbabantay at magmamanman sa karagatan ng Siargao.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY SIARGAO ISLANDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with