^

Probinsiya

MILF commander dedo sa clan war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MILF commander dedo sa clan war

MANILA, Philippines — Patay ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang sugatan ang isa nitong manggagawa matapos na pagbabarilin ng apat na armadong miyembro ng kalaban nilang angkan sa clan war sa Purok 3 Langaban, Brgy. Gaunan, Mlang, Cotabato kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jun Pananggulon, 7th Brigade commander ng 108 Base Command ng MILF sa Mlang, Cota­bato dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang manggagawa nito sa kanyang taniman ng saging at mais na si Toto Mangaluyan, 39, dahil sa tama ng bala sa kanang bukung-bukong.

Sumuko naman ang mga suspek na sina Te-ngan Anog, Nindi Dengkang, Dong Anog at Junior Abdul; pawang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) mula sa kalabang angkan ni Panang­gulon, sa tulong ng AFP, PNP at mga lokal na opisyal.

Sa ulat ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Cirilito Sobejana, bandang alas-7:50 ng umaga, kasalukuyang abala ang dalawang biktima sa farm nang biglang duma-ting ang apat na suspek na armado ng M14 rifles lulan ng dalawang motorsiklo at niratrat ang mag-amo. 

vuukle comment

CLAN WAR

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with