^

Probinsiya

5 ‘tulak’ todas sa drug ops!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 �tulak� todas sa drug ops!

MANILA, Philippines — Limang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang napaslang sa magkakahiwalay na buy-bust operation na nauwi sa shootout sa Laguna, Batangas at Bicol Region, inulat kahapon.

 Sa report ng Laguna Police, dakong alas-11:45 ng gabi nang kumasa sa anti-drug ope-ratives ng Calamba City Police ang drug suspect na si Ramon Awitan na ikinasawi nito sa operas­yon sa Brgy. Majada ng lungsod. 

Ayon kay Laguna Police Office Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta, ang suspek ay sangkot sa serye ng robbery-holdap, drug pushing at akyat-bahay.

 Inireport naman ng Calabarzon Police, dakong alas-2 ng madaling araw nitong Lunes nang kumasa at masawi sa buy-bust sa Brgy Wawa, Batangas City ang mga suspek na sina Francis Asihan at John Carlo Bagon; pawang nasa drug watchlist. Samantalang dakong alas-2:30 ng madaling araw nang kumasa at mapatay sa buy-bust sina Fernando Luzong Jr., 35, sa Brgy. Calinaan, Talisay, Camarines Norte. Samantala, alas-11:58 ng gabi nang mapatay ang nanlabang drug pusher na si Ronnie Labarro sa mga pulis sa Brgy. Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.

vuukle comment

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with