^

Probinsiya

2 bagitong parak inambus: 1 patay!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 bagitong parak inambus: 1 patay!

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay na nang makarating sa ospital ang isang bagitong pulis habang malubhang nasugatan ang angkas na kabaro makaraan silang sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Yapsy Street, Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City, Linggo ng gabi.

Nagtamo ng mara-ming tama ng bala sa katawan ang biktima na si PO1 Ali Bago Mama, may asawa, ng Brgy. Sinulakay, President Quirino, Sultan Kudarat na kanyang ikinasawi habang nasa maselang kondisyon ang kasamang si PO1 Jolace Alim Guiamad, 26, may asawa, ng taga-Datu Paglas, Maguindanao at kapwa naka-destino sa Cotabato Mobile Force Company ng lungsod.

Sa imbestigasyon, pasado alas-6:00 ng gabi habang sakay ng motorsiklo ang dalawang pulis nang biglang dikitan ng nakasunod na mga suspek na  magka­angkas sa motorsiklo at saka sila pinagbabaril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with