Project supervisor pisak sa trak
ATIMONAN, Quezon , Philippines — Nabasag ang ulo at namatay noon din ang project supervisor ng isang construction company makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na trak sa Maharlika Highway sakop ng Brgy. Tinandog, bayang ito, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jojo Adan Llanes, 44, may asawa ng Peñaflor Compound, Maybunga, Pasig City. Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang isang KTM Duke motorcycle patungo sa Maynila nang dumulas ito sa pakurbadang bahagi ng kalye at tuluy-tuloy na bumangga sa Bicol bound na 10-wheeler wing van truck (RGE-388) na minamaneho ni Reymund Bandoquillo ng Pilar, Sorsogon.
Nasa kustodya na ngayon ng pulisya ang driver ng trak.
- Latest