^

Probinsiya

2 bumbero, ex-pulis dedo sa karambola

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 bumbero, ex-pulis dedo sa karambola
Agad na nasawi sa insidente sina SFO2 Cleto Natano, FO3 Ronaldo Alcala, mga miyembro ng Tagkawayan Bureau of Fire Protection at retired SPO4 Juanito Ontiveros.

LOPEZ, Quezon, Philippines — Dalawang bumbero at isang retiradong pulis ang nasawi habang walo pa ang nasugatan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Pansol sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi sa insidente sina SFO2 Cleto Natano, FO3 Ronaldo Alcala, mga miyembro ng Tagkawayan Bureau of Fire Protection  at retired SPO4 Juanito Ontiveros.

Sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang Mitsubishi Adventure at tinatahak ang highway patungo sa Tagkawayan, Quezon dakong alas-9:30 ng gabi nang banggain sila ng kasalubong na Manila bound P&O Bus Liner na hindi pa nakukuha ang pangalan ng driver. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang unahan ng Adventure at matinding nasugatan ang mga biktima na kanilang ikinamatay.

Tinangkang mag-over­take ng bus sa isa pang bus subalit nailang ito sa kasalubong kung kayat kinabig ng tsuper ang manibela pakaliwa at natumbok ang Adventure at bumangga naman sa hulihan nito ang isang Nissan Urvan na naging dahilan upang masugatan ang mga sakay na sina Roderick Ude, Renald Talain, Imee Lerum, Manlix Asurin, Dandy Sunga, Chris Mejilla, Vernon Tang­lain at Florendo Dia na ginagamot na sa Magsaysay District Hospital.

vuukle comment

QUEZON ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with