^

Probinsiya

4 Sayyaf utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 Sayyaf utas sa encounter
Sa report ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, dalawa sa mga bandido ay dead-on-the-spot habang dalawa pa ang namatay sa pagkaubos ng dugo samantalang lima pa sa mga bandido ang nasugatan na binitbit ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang lima pa ang nasugatan sa pagsiklab muli ng engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at ng ektremistang grupo sa Patikul, Sulu kamakalawa.

Sa report ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, dalawa sa mga bandido ay dead-on-the-spot habang dalawa pa ang namatay sa pagkaubos ng dugo samantalang lima pa sa mga bandido ang nasugatan na binitbit ng mga nagsitakas nilang  kasamahan.

Ang mga bandido ay nakasagupa ng tumutugis na puwersa ng 6th Special Forces Battalion (IB) ng Phl Army sa Patikul.

Nauna rito, nakasagupa ng militar ang grupo ni Abu Sayyaf Sub Commander Mundi Sawadjaan sa Brgy. Igasan, Patikul dakong alas-11:30 ng umaga. Nasawi rito ang isang sundalo habang tatlo ang nasugatan.

Ang mga sugatang sina Sergeant Allan Bambibo Caday, Sgt. Wilfredo Flores  ay nakalabas na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital matapos malapatan ng lunas.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga elemento ng militar at muling nakabakbakan ang mga papatakas na kalaban.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with