^

Probinsiya

Lider ng ‘robbery/gun-for-hire’ todas sa shootout, 2 timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lider ng �robbery/gun-for-hire� todas sa shootout, 2 timbog
Sa ulat ni P/Supt. Mark Joseph Laygo, chief of police dito, nakilala ang napaslang na suspek na si Rex Borinaga alyas “Burdado”, ng Brgy. Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon at lider ng “Burdado Robbery Hold-up and Gun-for-Hire Group” na responsable sa serye ng holdapan at patayan sa nasabing lungsod na ang pinakahuling biktima ay ang negosyanteng si Wendell Obien na kanilang binaril at napatay matapos holdapin noong Enero 25, 2019.
File Photo

TAYABAS CITY, Quezon, Philippines — Patay sa pakikipagbarilan sa mga ope­ratiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Tayabas City Police ang lider ng notoryus na robbery at gun-for-hire group habang naaresto ang dalawa niyang miyembro sa Brgy. Isabang, lungsod na ito kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Mark Joseph Laygo, chief of police dito, nakilala ang napaslang na suspek na si Rex Borinaga alyas “Burdado”, ng Brgy. Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon at lider ng “Burdado Robbery Hold-up and Gun-for-Hire Group” na responsable sa serye ng holdapan at patayan sa nasabing lungsod na ang pinakahuling biktima ay ang negosyanteng si Wendell Obien na kanilang binaril at napatay matapos holdapin noong Enero 25, 2019.

Isusunod umanong target na hoholdapin ng mga suspek ang E-Bingo kung kaya nagsagawa ng surveillance ang PIB at Tayabas Police. Dakong alas-10:00 ng umaga, namataan ng mga awtoridad si alyas “Burdado” at tatlong kasama nito sa harapan ng Wilcon depot na nag­lalakad. Nang sitahin, agad silang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba habang tumatakbo sanhi ng shootout na ikinabulagta ni Burdado.

Tinamaan ng stray bullet mula sa baril ni Burdado ang JAM passenger bus at nakatakbo ang tatlo pang suspek pero nasugatan.

Sa follow-up operation, nasukol ang mga suspek na sina Armindo Ormacido, 58, at Virgilio Fontiler, 63, habang nakatakas ang isa pa na nakilalang alyas “Bubot”.

vuukle comment

KILLED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with