^

Probinsiya

Campaign rally sa Pangasinan, inisnab ng Hugpong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na sa Binalonan City, sa Urdaneta City nagdaos ng “political rally” ang Hugpong Ng Pagbabago (HNP) para i-endorso ang mga lokal na opisyal na kandidato nito sa Pangasinan sa pangunguna nina re-electionist Gov. Amado “Pogi” Espino III at amang si Cong. Amado Espino II ng 5th District ng Pangasinan.

Nabatid na hindi umano kasi natuloy ang pagpunta ni Davao City Mayor Sara Duterte at ng buong senatorial slate ng HNP sa nakatakda sanang campaign rally sa Binalonan na inorganisa ni Mayor Ramon Guico III na tumatakbo sa pagka-kongresista sa ika-5 distrito.

Kaalyado ni Guico ang magkapatid na sina Alaminos City Mayor Arthur Celeste, tumatakbong gobernador ng Pangasinan laban kay Espino III at Bolinao Mayor Arnold Celeste na kandidato sa pagka-kongresista ng 1st district ng Pangasinan laban kay dating Transportation Usec. Tim Orbos.

Base sa impormasyon ng Abante Pangasinan, isang lokal na grupong pampulitika, hindi sinipot ng HNP ang mga Celeste dahil sa umano’y pagkakasangkot  ng mga ito sa droga. Ayaw umano ng Presidential daughter na masangkot sa mga politikong may kaugnayan sa iligal na droga.

Matatandaang kasama sa narco-list ng PDEA na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatatandang kapatid ng alkalde na si Pangasinan 1st District Rep. Jesus Celeste.

Dumalo sa naturang rally ang mga re-electionists na sina Senador Sonny Angara at JV Ejercito, da­ting Sen. Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino, at iba pang senatoriables ng HNP.

vuukle comment

HUGPONG NG PAGBABAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with