^

Probinsiya

Salon sinuwag ng SUV: Nagpapagandang misis patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Salon sinuwag ng SUV: Nagpapagandang misis patay!

MANILA, Philippines — Patay ang isang mi­sis na nagpapaayos para sa kanilang Valentine’s date ng kanyang mister makaraang suwagin ng isang SUV ang isang beauty salon sa trahedya kamakalawa sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Fiesta Mae Cedeño, 30-taong gulang na nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan na siyang kumitil sa buhay nito.

Sa ulat ng General Santos City Police Traffic Management Unit, pasado alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente habang ang ginang ay nagpapaayos sa salon sa kahabaan ng Dacera Avenue ng lungsod.

Kasalukuyang minamaneho ng estudyanteng si Alaica Grajan, 18-anyos ang nasabing kulay pu­ting SUV nang ma­walan ng kontrol sa manibela matapos itong bumangga sa isang pickup truck.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, sinuwag ng nasabing SUV ang natu­rang salon kung saan nasapol si Cedeño habang nagpapaganda.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with