^

Probinsiya

Turistang Irish ni-rape sa El Nido

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Turistang Irish ni-rape sa El Nido

MANILA, Philippines — Nauwi sa bangungot ang masayang bakasyon sa bansa ng isang 21-anyos na turistang Irish national makaraang halayin ng isang tricycle driver sa El Nido, Palawan kamakalawa.

Kinilala ni Supt. So­crates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police ang suspek na si Parry Daquer Gaspe, 39, ng Brgy. San Fernando ng lalawigan.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Clara, insurance sales agent sa Torquay, Ireland at pansamantalang nanunuluyan sa Elternative Hostel, El Nido ng lalawigan, dakong alas-4 ng mada­ling araw, sakay umano sila ng mga kaibigan sa tricycle ni Gaspe galing sa gimikan at pagsapit nila sa Bacuit gasoline station ay pumara siya para maglakad na lang sa iskinita patungo sa tinutuluyang hotel.

Gayunman, sinabi ng suspek na sasamahan niya muna sandali ang dalaga hanggang sa sundan nito sa pagla­lakad sa iskinita habang naiwan sa nakatigil na tricycle ang mga kaibigan ng biktima na sina Lea Anna Rosenbosch at isang Oliver dahil sa ibang hotel sila nanunuluyan.

Sinabi pa ng biktima na habang naglalakad, bigla siyang sinunggaban ng suspek na med­yo lasing saka hinila at ginahasa sa madilim na bahagi ng iskinita. Nanlaban, nagmakaawa umano  ang biktima at sinabing “No, please stop!” pero ‘di pinakinggan ng suspek. Nang makaraos, mabilis na tumakas ang suspek habang agad na nagsuplong ang biktima sa pulisya kasama ang mga kaibigan.

Sa operasyon, nasakote ng Puerto Princesa City Police ang suspek na positibong kinilala ng biktima.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with