Grab driver, 2 pa tiklo sa droga
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Tatlo katao kabilang ang isang umano’y driver ng Grab o Transportation Network Vehicle System (TNVS) at freelance model na kapwa nasa drug watchlist ang nadakip matapos ang drug bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Maderan, Gen. Mariano Alvarez ng lalawigan.

Kinilala ni P/Chief Insp. Romulo Co Dela Rea, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang mga naaresto na sina Michael Magno, 37, TNVS driver, ng #47 Pugong Ginto, Brgy. Sta Monica, Novalichez, Quezon City; Denver Mislos, 26, freelance model, ng Block 68 Lot 8 Phase 2, Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite at Ailyn Guioguio, 42, ng Dalandan Street, St. Martin Village, Las Piñas City.

Ayon kay Col. Dela Rea, kasama ang PDEA, alas-8:00 ng gabi nang ikasa nila ang buy-bust laban sa mga suspek sa Brgy. Maderan. Isang pulis ang tumayong buyer na nakipag-transact sa mga suspek. 

Dumating umano ang tatlong suspek sa lugar sakay ng Hyundai Accent, may conduction sticker na MS2260 at agad isinagawa ang transaksyon. Habang nagkakaabutan ng droga at marked money, dito na lumusob ang nakaantabay na ibang pulis at dinakma ang tatlong suspek. Narekober sa kanila ang isang pouch na may plastic sachet ng 12 gramong shabu at mga drug money. 

Ang nasabing sasakyan ang ginagamit umano ng naturang TNVS driver sa pagsu-supply at pagdedeliver ng droga sa kanilang mga kustomer. 

DRUG WATCHLIST A GRAB TRANSPORTATION NETWORK VEHICLE SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with