^

Probinsiya

Preso tiklo sa droga sa korte

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Sinampahan muli ng panibagong kaso dahil sa paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act” ang isang 40-anyos na preso matapos na mahulihan ng droga habang dumadalo ng pagdinig sa korte sa Brgy. Rawis ng lungsod kahapon ng umaga. Kinilala ang suspek na si Michael Guab Miranda, residente ng Sitio Bariada, Brgy.Gogon at dati nang nakakulong dahil sa kasong may kaugnayan din sa droga. Sa ulat, dakong alas-9:25 ng umaga, katatapos pa lang humarap sa pagdinig sa Regional Trial Court kaugnay sa kasong droga na kanyang kinakaharap ang suspek nang magpaalam sa mga bantay na jailguard na pupunta lang muna ng palikuran.

Gayunman, pagkatapos umihi ay muli itong kinapkapan ni Jail Officer 1 Jette Harvey Alicante bilang bahagi ng security protocol ng Bureau of Jail Management and Penology bago ibalik ng kulungan at laking gulat nito nang  makuha sa bulsa ni Miranda ang isang sachet ng shabu.

vuukle comment

COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with