^

Probinsiya

2 Nigerian timbog sa drug ops! P.6-M shabu nasamsam

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 Nigerian timbog sa drug ops! P.6-M shabu nasamsam
Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohernoso, hepe ng pulisya rito, ang mga dinakip na dayuhan na sina John Udeh alias “Duds”, 33-anyos, tubong Imo State, Nigeria at walang permanenteng tirahan dito sa bansa, at Sunday Oguwike, 39, tubong Legos, Nigeria at stay-in sa The Last Salvation of Christ Celestial Church sa Brgy. Anabu 2D, Imus City, Cavite.

CAVITE , Philippines  —  Dalawang Nigerian national na hinihinalang bigtime drug traffickers ang nadakma ng puwersa ng Dasmariñas City Police matapos masamsaman ng mahi­git P.6-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sto Niño 2, ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohernoso, hepe ng pulisya rito, ang mga dinakip na dayuhan na sina John Udeh alias “Duds”, 33-anyos, tubong Imo State, Nigeria at walang permanenteng tirahan dito sa bansa, at Sunday Oguwike, 39, tubong Legos, Nigeria at stay-in sa The Last Salvation of Christ Celestial Church sa Brgy. Anabu 2D, Imus City, Cavite. 

Tinutugis naman ng pulisya ang Pinoy na kasamahan ng dalawang Nigerian na si alias “Al Motos”, may-ari ng bahay kung saan isina­gawa ang buy-bust ope­ration. 

Sa ulat, alas- 9:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust laban sa mga suspek sa Mahogany St., Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City, Cavite. Kasama ang puwersa ng Drug Enforcement Unit  ng Provincial Intelligence Branch at PDEA-4A, nilusob ng mga operatiba ang bahay ng target na si alias Al Motos. Wala sa lugar ang target pero nadatnan ang dalawang Nigerian na siyang nag-abot umano ng droga sa police poseur buyer. Nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang nakumpiska sa dalawang dayuhan.

vuukle comment

DRUG TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with