^

Probinsiya

Awol na sundalo utas sa buy-bust!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Awol na sundalo utas sa buy-bust!
Kinilala ang napatay na si John Eric Cordero, 30-anyos, residente ng Brgy. Cacub, Koronadal City.
Michael Varcas

NORTH COTABATO, Philippines — Isang sundalo na awol (absence without official leave) at itinuturing na high value target (HVT) dahil sa umano’y pagtutulak ng droga ang napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Villegas, Brgy. Zone III, Koronadal City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si John Eric Cordero, 30-anyos, residente ng Brgy. Cacub, Koronadal City.

Ayon kay City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) officer Glorio Sandig, natunugan umano ni Cordero na may presensya ng mga otoridad sa lugar kung saan magde-deliver sana siya ng illegal na droga sa inakala nitong parokyano. Bumunot at pinaputukan nito ng baril ang mga pulis dahilan ng shootout na ikinasawi nito dakong alas-4:00 ng madaling araw. Narekober sa lugar ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu, pera, bala at baril.

Unang naaresto noong Hulyo 30, 2017 si Cordero kasama ang walong iba pa at nasamsaman ng mahigit P2.3 milyon halaga ng shabu, mga baril at bala sa drug bust operation sa Brgy. Topland, Koronadal City. Subalit, na-dismiss umano ang kaso laban sa kanya dahil sa teknikalidad.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with