^

Probinsiya

Kandidatong konsehal todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong konsehal todas sa ambush
Kinilala ni Supt. So­crates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police ang nasawing biktima na si Ruben Goh, 51, isang independent SB candidate sa bayan ng Aborlan na idineklarang dead-on-the-spot dahil sa rami ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang kandidato sa pagka-konsehal o Sangguniang Bayan (SB) makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang armadong salarin sa KM 72, Brgy. Magsaysay Aborlan, Palawan nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Supt. So­crates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police ang nasawing biktima na si Ruben Goh, 51, isang independent SB candidate sa bayan ng Aborlan na idineklarang dead-on-the-spot dahil sa rami ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-5:09 ng hapon habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at bumabagtas sa national highway ng nasabing lugar pauwi sa kanilang ta­hanan nang bigla na lamang paulanan ng bala ng mga armadong salarin na nakaposisyon sa tabi ng highway. Kagagaling lamang ng biktima sa Sitio Marimras, Brgy. Magsaysay, Aborlan nang siya ay tambangan pagsapit nito sa lugar sanhi upang tumilapon  sa minamaneho nitong motorsiklo. Pagbagsak sa espaltadong kalsada, nilapitan pa siya ng mga ‘di kilalang suspek at mu­ling niratrat. 

Sinisilip ng pulisya ang mga anggulong pulitika at personal na alitan sa motibo ng pamamaslang.  

vuukle comment

PALAWAN CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with