^

Probinsiya

Sekyu bulagta sa encounter

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Bulagta ang isang security guard habang arestado ang tatlo pang kasamahan na walang habas umanong nagpapaputok ng baril matapos na maka-engkwentro ang pulisya sa Brgy. Collado, dito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Alexie Desamito, hepe ng Talavera police, ang napatay na suspek na si Ferdinand Viernes, ng nasabing barangay.

Patung-patong na kaso kabilang dito ang droga, pagpapatutok ng baril at estafa ang kinakaharap ng tatlo pang mga naarestong suspek na sina Emmanuel Viernes, Crisanto Dimaya, at  Mar Dimaya alyas Bulag.

Batay sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi, rumesponde ang police quick response team at intelligence operatives matapos makatanggap ng ulat hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng mga suspek sa nasabing lugar malapit sa isang palaisdaan. Pagdating sa lugar, agad nasakote ang tatlo, samantalang nagtangka umanong tumakas si Viernes na nauwi sa habulan. Nang makorner, pinaputukan ng suspek ang mga pulis na nauwi sa engkuwentro at ikinasawi nito.

Nakumpiska naman sa tatlong nasukol na suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

KILLED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with