^

Probinsiya

Bagong rehab graduate itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Isang araw makaraang makapagtapos sa Community Rehabilitation Program (CMP), pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang drug personality ng riding-in-tandem kamakalawa ng hapon sa Purok Little Baguio 1, Brgy. Ibabang Dupay.

Sa ulat kay P/Supt. Reydante Ariza, chief of police rito, kinilala ang napaslang na si Banjo Adan, 39, may live-in partner ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay dakong alas-5:20 ng hapon nang lapitan ng isang ‘di kilalang lalaki saka pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang biktima, sumakay ang gunman sa isang motorsiklo ng kasama niyang suspek saka sila mabilis na tumakas matapos na samantalahin ang pagkakagulo ng mga residente. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with