^

Probinsiya

Ama, 11-anyos anak utas sa ambush!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ama, 11-anyos anak utas sa ambush!

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pinaiiral na matinding seguridad ng pulisya at militar sa Min­danao dahil sa idaraos na plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) nga­yong araw, isa na namang ambush slay ang naganap matapos na kapwa bumulagta ang isang ama at 11-anyos niyang anak sa Brgy. Dabenayan, Mamasapano, Maguindanao, Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Graciano Mijares, director ng Maguindanao Police Provincial Office, kinilala ang mga nasawi na sina Ali­mudin Bansuan, 41-anyos at ang anak nitong lalaki na si Gaga, kapwa dead-on-the spot sa insidente at nakatira sa Brgy. Rosary Heights 3, Cotabato City.

Nabatid na galing umano ang mga biktima sa Brgy. Libutan, bayan ng Mamasapano para ihatid ang bangkay ng isang lalaki sa kanilang kaanak sa nasabing lugar. Pauwi na ang mag-ama lulan sa isang puting kotse (Sedan) alas-10:15 ng umaga nang tambangan ng riding-in-tandem suspect at pinagbabaril.

Ayon sa misis ng biktima, wala siyang alam na may kalaban ang mister o banta sa buhay nito para siya at ang kanyang anak ay paslangin.

Ito na ang ikalawang ambush sa Maguindanao sa loob lamang ng 24-oras kung saan unang napatay sina Dungag Macabangon at isang alyas Bryan at malubhang ikinasugat ng isang Naser Sanday taliwas sa unang ulat na siya ay nasawi matapos silang tambangan sa Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat dakong alas-10:00 ng gabi nitong Biyernes.

vuukle comment

AMBUSH SLAY

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with