^

Probinsiya

Mag-asawa tiklo sa P.6-M shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa tiklo sa P.6-M shabu

CAVITE , Philippines  —  Arestado ang isang mag-asawa na sinasabing kapwa bigtime na tulak ng droga matapos na masamsaman ng nasa mahigit P.6 milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng Dasmariñas City Police sa Brgy. San Lorenzo Ruiz, nasabing lungsod kamakalawa. Kinilala ni P/Supt Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya ang mga  suspek na sina Samsodeng Anggo, 24 anyos at misis nito na si Samsia, 21, kapwa ng  Blk L3 Lot 17, Brgy. Emmanuel Bergado I, Dasmariñas City. Matapos ang ilang araw na surveillance laban sa mag-asawa, ikinasa ang buy-bust dakong alas-4:15 ng hapon  sa lugar.

Nang magpositibo ang operasyon, dinakma ng mga ope­ratiba ang mag-asawa at nakuha sa kanila ang dalawang piraso ng nakabuhol na plastic na naglalaman ng 90 gramong shabu na may market value na P612,000. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with