^

Probinsiya

Rambol sa b-day party: 1 dedo, 2 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Rambol sa b-day party: 1 dedo, 2 grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Patay ang isang 32-anyos na mister habang dalawa pa ang sugatan matapos na pagbabarilin ng kanilang kaanak sa kasagsagan ng laklakan sa birthday party sa Brgy. Bagumbayan, Tuao, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Gohnger Empeno, ng nasabing lugar habang sugatan sina Jay-jay Ole, 30 at Roger Mendoza, 48.

Ayon kay SPO3 Marvin Millan, sumiklab ang gulo dahil sa sobrang kalasingan at kakulitan ng mga manginginom na sina Empeno, Ole, Mendoza, at mag-amang suspek na sina Bienvenido Doctor, 50, at Paulo Doctor, 34, sa laklakan sa bahay ni Juanito Gallema na nauwi sa rambolan dakong alas-9:30 ng gabi.

Dahil sa kalasingan, nagkaroon sila ng matin­ding pagtatalo at bugbugan hanggang sa bumunot ng baril ang nakababatang Doctor at pinagbabaril sina Empeno, Ole at Mendoza sa utos umano ng ama.

Tumakas si Paulo dala ang ‘di natukoy na baril habang isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang tatlong biktima pero idineklarang patay si Empeno. 

Naaresto naman ang nakatatandang Doctor na isinugod ang sarili sa isa pang pagamutan dahil sa tinamong mga sugat sa katawan. 

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with