^

Probinsiya

Pagpatay sumablay: Hired killer kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Pagpatay sumablay: Hired killer kinatay
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga habang nakatayo sa waiting shed ang target na lilikidahin na si Cesar Cambri nang bigla na lamang dumating ang ‘di kila­lang gunman na naka-motorsiklo at binaril siya sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang balikat.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Imbes na ang target ang mapatay, isang pinaniniwalaang “hired killer” ang tumimbuwang nang magawang manlaban ng isang 41-anyos na mister at ataduhin nito ng taga ang suspek hanggang sa mapatay sa Brgy. Bauan West, Solana, Cagayan noong Huwebes.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga habang nakatayo sa waiting shed ang target na lilikidahin na si Cesar Cambri nang bigla na lamang dumating ang ‘di kila­lang gunman na naka-motorsiklo at binaril siya sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang balikat.

Bagama’t sugatan, nagawang makatakbo ni Cambri sa kanyang bahay pero mabilis siyang sinundan ng naka-helmet na gunman at inabutan nito ang misis na si Lorna at kapatid na si Reymund, 33. Dito nada­may ang mi­sis nang pagbali­ngang gulpihin ng suspek at barilin si Reymund na nagtamo rin ng sugat sa insidente.

Dahil sa matinding panganib sa kanyang pamilya, mabilis na kumuha ng itak si Cambri at walang habas nitong tinadtad ng taga hanggang mamatay ang gunman na kinalaunan ay nakila­lang si Edwin Costales ng Brgy. Annafatan, Amulung, Cagayan, base sa narekober na ID sa katawan nito ng mga otoridad.

Isinugod ang mag-utol sa pagamutan habang narekober sa bangkay ni Costales ang isang cal. 45 baril, dalawang cellphone at P4,940 cash.

Alitan sa lupa ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pumalpak na pamamaslang sa mister.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with