^

Probinsiya

Mister nag-amok: Misis patay, 1 grabe!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister nag-amok: Misis patay, 1 grabe!
Kinilala ang nasa­wing ginang na si Lyza Cunanan, 38-taong gulang habang ang nasugatan ay si Bryan Alcasabas, 32; pawang residente ng Brgy. Parian ng lungsod.

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng isang nag-amok na mister at manlaban sa mga rumespondeng pulis na nagresulta rin ng kanyang kamatayan sa Calamba City, Laguna nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing ginang na si Lyza Cunanan, 38-taong gulang habang ang nasugatan ay si Bryan Alcasabas, 32; pawang residente ng Brgy. Parian ng lungsod. 

Napaslang naman sa lugar ang nag-amok na suspek na si Mario Sandoval Jr., 40-anyos matapos na kumasa at maki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya. Si Sandoval ay idineklarang dead-on-arrival sa St. John Baptist Hospital.

Sa ulat sa tangga­pan ni Laguna Provin­cial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Eleazar Matta, nangyari ang insidente sa Purok 7, Sitio Ilaya, PNR Site, Brgy. Parian ng nasabing siyudad bandang alas-10:20 ng gabi. Kasalukuyang nakatayo sa may waiting shed si Cunanan habang umiihi naman sa may puno si Alcasabas nang biglang sumulpot ang naghuhuramentado at armadong suspek at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

 Kasalukuyan namang nagpapatrolya ang mobile patrol ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng  Calamba City Police sa pangunguna ni Chief Inspector Mark Julius Rebanal nang marinig ang mga putok ng baril kaya agad na nagresponde sa lugar. Natiyempuhan nila ang suspek habang tumatakas pero nang makita nito ang police car, agad na pinaputukan sanhi upang gumanti ng putok ang mga pulis.

Narekober sa crime scene ang isang  cal .45 pistol na may karga pang isang bala at cartridge.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with