^

Probinsiya

2 mister nagduwelo, kapwa todas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 mister nagduwelo, kapwa todas
Ayon kay Sr. Insp. Nestor Pascual inaalam pa ng mga imbestigador kung bakit binoga ni Ronald Limon, 40, si Jerry Simeon, 45, at kung bakit naman sinaksak sa ulo ng huli ang una dakong alas-4:20 ng hapon.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang mister matapos na walang takot na magduwelo sa pamamagitan ng patalim at baril nang magkrus ang kanilang landas sa Brgy. Catataratan, Allacapan, Cagayan nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Sr. Insp. Nestor Pascual inaalam pa ng mga imbestigador kung bakit binoga ni Ronald Limon, 40, si Jerry Simeon, 45, at kung bakit naman sinaksak sa ulo ng huli ang una dakong alas-4:20 ng hapon.

Ang insidente ay nasaksihan ni Rosalin Fronda na mabilis na tumakbo upang makaiwas sa disgrasya nang mangyari ang pagtutuos ng dalawa na hinihinalang mortal na magkaaway.

Kapwa isinugod sa iisang hospital ang dalawa kung saan pareho silang idineklarang dead-on-arrival habang narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 baril at isang duguang patalim.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with