^

Probinsiya

Lider ng gun-for-hire, 1 pa dedo sa barilan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng gun-for-hire, 1 pa dedo sa barilan
Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camilus Hospital ang mga suspek na sina Irasty Carinan alyas “Recca” ng Brgy. Sta. Clara ng lungsod, lider ng Recca Criminal Gang at tauhang si Erwin Bulandan.
File Photo

MANILA, Philippines — Napatay ang isang sinasabing kilabot na lider ng gun-for-hire group na isa ring gun dealer at isa nitong tauhan matapos na mauwi sa shootout ang entrapment operation ng mga otoridad sa Brgy. Sta Clara, Batangas City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Saint Camilus Hospital ang mga suspek na sina Irasty Carinan alyas “Recca” ng Brgy. Sta. Clara ng lungsod, lider ng Recca Criminal Gang at tauhang si Erwin Bulandan.

Sa ulat ni Calabarzon Provincial Director P/Chief Supt. Edward Carranza, sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek sa arresting team na nauwi sa madugong engkuwentro, dakong alas-4:00 ng madaling araw. Nakatunog umano si Carinan na isang undercover agent ang kanilang ka-deal kaya agad na pinaharurot ang kanilang motorsiklo para tumakas.

Nagkaroon ng ha­bulan at nang malapit na silang abutan ay nagpaputok ng baril ang dalawa na nauwi sa shootout sanhi upang tumilapon sa motorsiklo at bumulagta ang mga suspek.

Narekober sa lugar ang isang Ingram, isang cal. 38 revolver at motorsiklong ginamit ng mga suspek.

vuukle comment

ENTRAPMENT OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with