^

Probinsiya

Hapones, bebot tiklo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Japanese national at ang kasama nitong babae matapos masakote sa buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Brgy. Te­tuan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Hiroyuki Takahashi, alyas “Otosan”, 59-anyos, may asawa, isang negos­yante at naninirahan sa Divisoria sa Maynila at Mary Jane Huerto alyas “Jane”, 43, ng Brgy. Tetuan sa nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:05 ng gabi nang makipagtransaksyon sa mga suspek ang pulis na tumayong buyer sa Don Toribio Street. Nang magkaabutan na ng item at pera ang mga suspek at pulis,  dito na agad inaresto ang dalawa. Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet ng shabu at P200.00 marked money.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with