2 studes, bading timbog sa pagpatay ng guro
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang binatilyong estudyante at 36-anyos na umano’y bading ang arestado dahil sa umano’y pagpatay sa isang pampublikong guro sa Aurora, Isabela kamakalawa.
Sinabi ni Isabela Police Director Sr. Supt. Mariano Rodriguez, ang mga suspek na edad 17 at 15 ay mga estudyante ng Doña Aurora National High School kung saan nagtuturo ang biktimang si Bobby Galiza, 48, habang ang ikatlong suspek ay si Jesus Acio ng Brgy. Camarunggayan, walang trabaho at pamangkin ng biktima.
Ayon kay Rodriguez, ang tatlo ay umamin sa krimeng nagawa.
Sa report, si Galiza ay natagpuang patay habang tadtad ng saksak sa kanyang bakuran noong Sabado. Lumalabas na pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpatay sa guro.
Sinabi ni Rodriguez na ipinasa na nila sa Department of Social Welfare and Development-Youth Haven sa Enrile, Cagayan ang dalawang menor-de-edad na suspek.
- Latest