^

Probinsiya

Grade 11 todas sa gulpi ng kapwa estudyante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang grade 11 student matapos na ma-comatose makaraang pagtulungang bugbugin ng kanyang mga kapwa estudyante, sa Mangaldan, Pangasinan, iniulat kahapon.

 

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Kenneth Langit, 17-anyos. Nadakip naman ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na si Jay-ar Biagtan sa isang manhunt operation habang sumuko naman ang dalawa pang sina George Maramba, at Jason Soriano, pawang mga grade 12 students sa Mangaldan National High School.

Ayon sa ulat, nasa canteen lamang ng Mangaldan National High School ang biktimang si Langit nang biglang lumitaw ang grade 12 student na si Maramba at walang abug-abog na sinuntok ang biktima.

Nakaganti pa si Langit ngunit tumulong kay Ma­ra­m­ba ang kanyang mga kaklase na sina Soriano at Biagtan.

Nawalan ng ulirat si La­ngit bunsod ng matinding pagkakabugbog ng tatlo na itinakbo sa pagamutan.

Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, walang bad record si Langit at posibleng alitan sa babae ang dahilan ng pambubugbog dito.

Nabatid na may gusto kay Langit ang nobya ng isa sa mga nambugbog.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga estudyanteng sangkot na may edad 19, 22 at 23.

vuukle comment

GULPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with