^

Probinsiya

Pinsan ni misis, kinatay ng lolong mister

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang matin­ding selos ang dahilan kung kaya napatay ang isang 25-anyos na binata habang sugatan ang 30-anyos nitong pinsang babae nang ataduhin ng taga ng lolong mister ng huli habang magkakasama silang natutulog sa loob ng bahay sa Sitio Ke-iro, Brgy. Cueva sa bayan ng San Pascual, Masbate, kamakalawa ng gabi.

 

Sanhi ng mga tinamong malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang biktimang si Ondo Subing-Subing, magsasaka habang sugatan sa dibdib pero nakatakas ang pinsang si Aimy Subing-Subing, balo, at mister ng suspek na si Cesar Rosell, 76-anyos, mangingisda, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, biglang nagi­sing si Aimy nang magsisigaw ang kanyang pinsang si Ondong at nakitang inuundayan ng taga ng kanyang mister.

Sinubukang awatin ni Aimy ang matanda pero pati siya ay binalingan nito at tinaga sa dibdib.

Gayunman, kahit su­gatan ay nakatakas ang babae at nakapagsumbong sa mga pulis. Tumakas naman ang suspek lulan ng kanyang de-motor na bangka patungo sa ‘di malamang direksyon sa dagat.

Sa pagresponde ng mga pulis, inabutang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay ang binata.

Sa imbestigasyon, itinanggi ni Aimy na meron silang relasyon ng kanyang pinsan at sadyang sobra umanong napakaseloso ng kanyang matandang mister.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with