BOL plebiscite sa Mindanao, idineklarang holiday
MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Duterte na special non-working holiday ang pagdaraos ng plebisito ?sa Enero 21 sa ilang parte ng Mindanao para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Inisyu ang Proclamation 645 ni Executive Sec. Salvador Medialdea na nilagdaan nito noong ?Enero 21.
Sakop ng proklamasyon ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, Isabela City sa Basilan at Cotabato City.
Layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mga residente na makaboto sa plebisito.
Ang mga residente naman ng Lanao del Norte maliban sa Iligan City at 6 na bayan sa North Cotabato ay boboto sa plebisito sa Pebrero 6.
Inaasahan ng Commission on Elections na aabot sa 2.8 milyon ang lalahok sa plebisito.
Samantala, personal na magtutungo ngayon si Pangulong Duterte sa Cotabato City upang hilingin sa mga botante na suportahan ang ratipikasyon ng BOL.
- Latest