^

Probinsiya

2 patay, 1 grabe sa motor crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 1 grabe  sa motor crash

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Nasawi ang dalawang mister habang isa ang kritikal sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Solana, Cagayan at Cauayan City, Isabela kamakalawa. ?

Sinabi ni PO3 Richard Turingan na galing sa isang laklakan ang mag-utol na sina Rolly, 38, at Rowin Delos Reyes, 42, nang salpukin nila ang poste ng kuryente sa kurbadang bahagi ng highway sa Brgy. Lanna, Solana, Cagayan dakong  alas-4:40 ng hapon.?Hindi natukoy kung sino ang nagmaneho ng motorsiklo na sinakyan ng magkapatid na walang suot na helmet. ?Isinugod ang mga biktima sa Cagayan Valley Medical Center dito subalit idineklarang patay si Rolly habang hindi pa nagkakamalay si Rowin.?

Sa Cauayan City, agad namatay si Jerek Armenio, 23, nang salpukin niya ang gilid ng trak na nakagitgitan nito papasok pakaliwa sa bahagi ng highway ng Brgy. District 1 dakong alas-3:40 ng madaling araw.?Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang drayber ng trak na si Christopher Sanico, 28, matapos ang insidente.

vuukle comment

CRIME

MOTOR CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with