^

Probinsiya

22-anyos dalaga inutas sa lamayan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Nabulabog ang isang burol ng patay matapos itumba ng pinaniniwalaang hired killer ang isang 22-anyos na dalaga habang nakikipaglaro ng tong-its sa mga nakikilamay sa Brgy. Luna, Roxas, Isabela kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Chief Insp. Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police, kasuwal lang na naglakad ang salarin papunta sa kanyang getaway car habang nagpulasan ang mga nagsusugal sa lamayan matapos na pagbabarilin sa ulo ang biktimang itinago sa pangalang Quirina, tubong Sorsogon dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng cal. 9mm habang idineklarang patay ang biktima sa isang pribadong ospital. Isa ang umano’y anggulo ng panghuhuthot ng pera ang sinusundang motibo ng mga imbestigador kaugnay sa pagpatay. 

vuukle comment

CRIME

HIRED KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with