Sa kabila ng pagpapaulan ng bala sa kanyang sasakyan, nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang target sa ambush na si Buenavista, Bohol mayoralty candidate Atty. Rico Cobarrubias habang agad na nasawi sa lugar ang driver na si Conrado Añasco dahil sa tinamong tama ng bala sa kili-kili na naglagos sa kanyang puso.
KJ Rosales
Mayoralty candidate inambus, driver utas!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mayoralty candidate at driver nito ang tinambangan at pinagba­baril ng riding-in-tandem na ikinasawi ng huli sa bayan ng Getafe, Bohol nitong Lunes ng hapon.

Sa kabila ng pagpapaulan ng bala sa kanyang sasakyan, nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang target sa ambush na si Buenavista, Bohol mayoralty candidate Atty. Rico Cobarrubias habang agad na nasawi sa lugar ang driver na si Conrado Añasco dahil sa tinamong tama ng bala sa kili-kili na naglagos sa kanyang puso.

Sa ulat ng Bohol Police, bandang ala-1:50 ng hapon habang lulan ang mga biktima ng Toyota Fortuner at binabagtas ang kahabaan ng highway ng Brgy. Tulang, Genafe nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng nakabuntot na mga suspek lulan ng motorsiklo. 

Sa imbestigasyon, ka­gagaling lang ni Cobarrubias sa pagdalo sa pagdinig ng isang kasong hawak nito sa bayan ng Talibon at pauwi na nang tambangan ng mga armadong salarin pagsapit sa nasabing lugar.

Si Atty. Cabarrubias na masuwerteng hindi ti­na­maan ng bala sa insidente ay tumatakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Buenavista at nagmula sa prominenteng pamilya.

Sinisilip ng mga awto­ridad ang pulitika at hina­hawakang mga kaso ng naturang abogado na motibo sa krimen.

RICO COBARRUBIAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with