Kinilala ng Talavera Police Station ang napatay na suspek na si Francisco dela Cruz alyas “Kiko”, ng Brgy. Pob­lacion South, sa bayang ito, habang ‘di pa natutukoy ang tumakas na kasama nito sakay ng isang motorsiklo.
Joven Cagande
Lider ng ‘Basag-Kotse’ tumba sa barilan
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isang sinasabing lider ng Basag-Kotse gang habang nakatakas ang kasama nito makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Brgy. Sampaloc, sa bayang ito, noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Talavera Police Station ang napatay na suspek na si Francisco dela Cruz alyas “Kiko”, ng Brgy. Pob­lacion South, sa bayang ito, habang ‘di pa natutukoy ang tumakas na kasama nito sakay ng isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, nabatid na bibiktimahin ng grupo ang isang Toyota Vios, with conduction sticker number A5S500 na pag-aari ng isang Leny Rose Balaquidan, 39-anyos, ng Brgy. Kalikid, Cabanatuan City, habang nakahimpil sa tabi ng opisina nito sa Brgy. Poblacion Sur.

Dahilan sa lakas ng pagkabasag sa bintana ng kotse na nanakawan ng grupo ng suspek, narinig ito ni Balaquidan at agad na inireport sa pulis ang pangyayari.

Nagkaroon ng putukan at habulan sa pagitan ng mga suspek at ng pulisya hanggang sa makarating sa Brgy. Sampalok, kung saan napatay ang sinasabing lider nito na si Dela Cruz, subalit nakatakas ang kasamahan nito.

DEAD IN SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with