Batay sa ulat, kinilala ang mga dinakmang suspek na sina Ricson Robles alyas “Eric”, 41; Maynard Libranda, 39; kapwa residente ng Citta Grande Subdivision, Phase 3; at Jaime Alib, 46, taga-Brgy. Guisguis, Sariaya, Quezon.
File Photo
3 ‘tulak’ tiklo sa P.4-M shabu
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Arestado ang tatlong ‘tulak’ ng droga ng mga otoridad sa isinagawang anti-drug operation habang tinatayang aabot sa P436,084.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa mga ito sa Brgy. Ibabang Iyam, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, kinilala ang mga dinakmang suspek na sina Ricson Robles alyas “Eric”, 41; Maynard Libranda, 39; kapwa residente ng Citta Grande Subdivision, Phase 3; at Jaime Alib, 46, taga-Brgy. Guisguis, Sariaya, Quezon.

Dakong alas-8:40 ng umaga nang isagawa ng mga pulis ang buy-bust operation sa bahay ng isa sa mga suspek at doon ay nakuha ang nasa 17 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 65.13 gramo, isang pirasong P1,000 na marked money at cash na P2,500.00 na hinihinalang pinagbentahan ng droga.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with