Kinilala ni P/Supt.Reydante Ariza, chief of police dito ang napaslang na si Rodelio Gutlay, 47, may asawa ng Purok Central, Brgy. Ibabang Dupay. Kalalaya lamang nito noong Hunyo 29, sa pamamagitan ng plea bargaining matapos makulong dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.
Drug suspect utas sa ambush
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2018 - 12:00am

Dumalaw sa nakakulong na misis

LUCENA CITY  , Philippines  —   Patay ang isang drug personality na anim na buwan pa lamang na nakalalaya nang makulong matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng motorsiklo at binabagtas ang Dalahican Road na sakop ng Brgy. Ibabang Dupay, ng lungsod kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt.Reydante Ariza, chief of police dito ang napaslang na si Rodelio Gutlay, 47, may asawa ng Purok Central, Brgy. Ibabang Dupay. Kalalaya lamang nito noong Hunyo 29, sa pamamagitan ng plea bargaining matapos makulong dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Sa imbestigasyon, kagagaling lamang ni Gutlay sa BJMP detention cell matapos dalawin ang asawang nakapiit na si Julie dakong alas-3:40 ng hapon.

Habang minamaneho umano nito ang isang motorsiklo patungo sa kanilang bahay ay sinabayan ito ng isa pang motorsiklo lulan ang dalawang hindi kilalang lalaki at pinaulanan siya ng punglo ng caliber 9mm.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with