2 pusher todas sa buy-bust
Kinilala ni Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta ang mga suspek na sina Bernie Orsine at Ace delos Santos, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Brgy. Uno ng nasabing lugar.
Miguel De Guzman
2 pusher todas sa buy-bust
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang sinasabing notoryus na ‘tulak’ ng droga matapos na manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna, kamakalawa.

Kinilala ni Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta ang mga suspek na sina Bernie Orsine at Ace delos Santos, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Brgy. Uno ng nasabing lugar.

Ang dalawa ay sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya sa Laguna at umano’y kabilang sa Fajardi robbery group na nag-o-operate sa Calamba City at kalapit na siyudad.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-10:30 noong Huwebes ng gabi ng magsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay.

Natunugan umano ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal dahilan upang bumunot ng baril at pinutukan ang mga pulis na agad namang nakaganti na ikinasawi ng mga suspek.

Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang ilang sachet ng umano’y shabu, isang kalibre 9mm at kalibre.38 na baril.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with