^

Probinsiya

Motor inararo ng SUV: 2 patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor inararo ng SUV: 2 patay
Dakong alas-8:30 ng gabi habang sakay ng Suzuki Smash ang mga biktima nang pagsapit nila sa junction ay bigla na lamang silang binangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Felino Vendiola, 52, ng Talaan, Sariaya, Quezon na nasa kustodya na ng Lucena Police. Dahil sa lakas ng salpok, pumailalim pa ang motorsiklo sa SUV at nakaladkad ng halos 50 metro.

LUCENA CITY, Quezon - Nauwi sa trahedya ang masayang pagkukwentuhan  ng tatlong magkakaibigan habang lulan ng isang motorsiklo matapos silang araruhin ng SUV na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa sa kanila at malubhang pagkasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi sa Eco Tourism Road, Purok Bagong Buhay, Brgy. Ibabang Talim ng lungsod.

Sa ulat ni P/Supt. Reydante Ariza, chief of police dito, kinilala ang mga nasawi na sina Merlito Cabral, 39, may asawa, driver ng motorsiklo at angkas na si Ernesto Vinta Jr., 34, habang nasa malubhang kalagayan sa Lucena United Doctors Hospital ang isa pang backrider na si Milbert Obien, 20, binata, dahil sa mga sugat sa katawan, ulo at pagkabali ng mga buto.

Dakong alas-8:30 ng gabi habang sakay ng Suzuki Smash ang mga biktima nang pagsapit nila sa junction ay bigla na lamang silang binangga ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Felino Vendiola, 52, ng Talaan, Sariaya, Quezon na nasa kustodya na ng  Lucena Police. Dahil sa lakas ng salpok, pumailalim pa ang motorsiklo sa SUV at nakaladkad ng halos 50 metro.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with