Sinabi sa Pilipino Star NGAYON ni Chief Insp. Elpidio Zingapan, hepe ng Gonzaga Police na sariwa pa ang dugo na bumaha sa silid ng pamil­ya ni Dizon Oandasan, 42, nang dumating ang mga operatiba ng SOCO sa lugar dakong alas-7:00 ng umaga habang duguan at nakahandusay ang iba sa labas ng kanilang tahanan.
Cagayan massacre: 6 miyembro ng pamilya patay!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2018 - 12:00am

3-anyos kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng anim na miyembro ng isang pamilya habang isa pang 3-anyos ang nag-aagaw buhay matapos silang pasukin at pagtatagain ng ‘di pa kilalang salarin  sa liblib na lugar sa Sitio San Francisco, Brgy. Ipil, Gonzaga, Cagayan kahapon ng umaga.

Sinabi sa Pilipino Star NGAYON ni Chief Insp. Elpidio Zingapan, hepe ng Gonzaga Police na sariwa pa ang dugo na bumaha sa silid ng pamil­ya ni Dizon Oandasan, 42, nang dumating ang mga operatiba ng SOCO sa lugar dakong alas-7:00 ng umaga habang duguan at nakahandusay ang iba sa labas ng kanilang tahanan.

Ang bangkay ni Oandasan at lima pang miyembro ng kanyang pamilya ay natagpuang nakahandusay na may malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinilala ng pulisya ang iba pang nasawi na sina Sany Oandasan, 47, misis ni Dizon at kanilang mga anak na sina Wilson 13, Karen 12, Dizon Jr., 5, at kaanak nilang si Juanito Soliva, 55.

Lumalabas na pinasok ng suspek ang nasa­bing pamilya at pinagtataga. Nagawa namang makatakbo ang ilang biktima sa labas ng kanilang bahay subalit sinundan pa rin ng suspek at isa-isang pinagtataga.  

Ang ika-pitong mi­yembro ng pamilya na batang si Denison ay malubhang nasugatan at patawirin na itinakbo sa Cagayan Valley Medical Center sa nasabing bayan.

Isa namang suspek na ‘di tinukoy ang pa­ngalan na umano’y nasugatan sa insidente ang tinutugis na ng pulisya at may nakapag-tip sa kanila na nagpapagamot ito sa isang ospital dahil sa mga sugat na tinamo matapos na manlaban umano ang mga biktima. 

Sinusundan ng pulis­ya ang anggulong alitan sa lupa na motibo sa karumal-dumal na krimen.

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with