^

Probinsiya

Kagawad, misis niratrat na pinagtataga pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, misis niratrat na pinagtataga pa
Nasawi noon din ang mga biktima sanhi ng mga tama ng punglo at mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na sina Brgy. Magsaysay Councilor Danilo Jungay, 69-anyos, at misis nitong si Cristy Jungay, 56-anyos.

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang barangay kagawad at misis nito sa kamay ng kanilang kaanak nang matapos ratratin ay inatado pa ng taga makaraang mauwi sa mainitang pagtatalo ang agawan sa lupa na naganap sa Brgy. Magsaysay, Sta Fe, Romblon nitong Huwebes ng umaga.

Nasawi noon din ang mga biktima sanhi ng mga tama ng punglo at mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na sina Brgy. Magsaysay Councilor Danilo Jungay, 69-anyos, at misis nitong si Cristy Jungay, 56-anyos.

Arestado naman ang mga suspek na sina Lester Jungay, 18; pamangkin ng mag-asawa; Nelson Jungay; Raigor Jungay at Ramil Jungay; pawang mga kamag-anak ng mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Sitio Ilaya, sa naturang lugar dakong alas-6:30 ng umaga nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa at kanilang mga kamag-anak kaugnay ng agawan sa lupa.

Ang mga suspek na armado ng itak at mga baril ay walang pasintabing pumasok sa tarangkahan ng mag-asawa at saka kinuyog ang mga ito na pinagbabaril at hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa hanggang sa mapatay.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with