^

Probinsiya

Police applicant nilikida ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Police applicant nilikida ng NPA
Kinilala ang biktima na si Anthony Gestiada, nasa hustong gulang na agad na nasawi sa insidente bunsod ng maraming tama ng bala sa katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang police applicant makaraang pasukin at pagbabarilin ng pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Anthony Gestiada, nasa hustong gulang na agad na nasawi sa insidente bunsod ng maraming tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-V, dakong alas-9 ng gabi habang nasa loob ng kanyang kuwarto ang biktima nang duma­ting ang mga armadong suspek na lulan ng kulay puting van na walang plaka sa Sitio Bala­ding, ng nasabing barangay. Agad na pumasok sa na­kabukas na pintuan ang walang pasintabing mga suspek na tinanong pa ang biktima kung nag-a-apply siya sa pagkapulis. Sinagot naman ito ng maayos ng biktima na sinabing aplikante siya sa pagkapulis at ipinaliwanag na nais niyang makatulong sa pagsupil sa kriminalidad para sa ikasusulong ng peace and order sa kanilang lugar.

“Ganun ba, etong para sayo,” ang sagot naman ng isa sa mga suspek at agad nilang pinagbabaril ang biktima gamit ang mahahabang armas.

vuukle comment

CRIME

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with