^

Probinsiya

Mag-ina sinilaban ng adik na mister!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina sinilaban ng adik na mister!
Sa report ng Silay City Police, kinilala ang mga biktima na sina Cinderella Gargaceran at 3-anyos na anak na babae na patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital bunga ng tinamong 2nd degree burn sa kanilang mga katawan.

Sa matinding pagseselos

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding selos, binuhusan ng gasolina at sinilaban ng isang umano’y adik na mister ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay sa Brgy. Mambulac, Silay City, Negros Occidental noong Linggo ng madaling araw, ayon sa naantalang ulat kahapon.

Sa report ng Silay City Police, kinilala ang mga biktima na sina Cinderella Gargaceran at 3-anyos na anak na babae na patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital bunga ng tinamong 2nd degree burn sa kanilang mga katawan.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na nakilala namang si Cedi Gulmatico.

Ayon sa opisyal,  habang mahimbing na natutulog ang mag-ina bandang alas-3:30 ng madaling araw nang bigla na lamang dumating ang suspek na umano’y lango sa droga saka sinabuyan ng gasolina ang mag-ina at saka sinilaban.

Samantala, bago ang insidente ay nag-away ang maglive-in partner makaraang magselos ang lalaki sa kinakasama.

Ipinagharap na ng kasong frustrated homicide ang suspek na kasalukuyan nang humihimas ng rehas na bakal.

vuukle comment

NEGROS OCCIDENTAL CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with